top of page

Raketa ay Ihanda Na! Mga Tennis Coaches at Participants, Ipinakilala Na


Bilang bahagi ng masiglang pagpapatuloy ng Summer Sports Clinic 2026, pormal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga bihasang Tennis Coaches na hahasa sa galing ng ating mga kabataan ngayong Abril.


Ang programang ito, na pinangungunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, ay naglalayong bigyan ng de-kalidad na pagsasanay ang mga kalahok. Sa tulong ng ating mga coaches, tututukan hindi lamang ang tamang teknik sa pagpalo kundi pati na rin ang pagbuo ng matibay na disiplina at sportsmanship.


Kasabay nito, inilabas na rin ang opisyal na listahan ng mga rehistradong Tennis participants. Hinihikayat ang lahat ng mga nag-apply na suriin ang kanilang mga pangalan sa kalakip na listahan upang kumpirmahin ang kanilang slot sa pagsasanay.


Paalala para sa mga manlalaro:

  • 📍 Lunes, Martes, Miyerkules: Caingin Tennis Court (4:00 PM – 6:00 PM)

  • 📍 Huwebes, Biyernes, Sabado: San Roque Tennis Court (1:00 PM – 3:00 PM)

  • 🎾 Paalala: Siguraduhing dumating sa tamang oras at dala ang inyong sariling sports gear.


Comments


bottom of page