top of page

PNP San Rafael, Nanawagan ng Pagtutulungan ng Publiko Laban sa mga Tago sa Batas


Nagpalabas ng panawagan ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa buong komunidad na manatiling alerto at maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng hustisya sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang impormasyon ukol sa mga tago sa batas o wanted persons.


Ayon sa pambansang pulisya, ang pagtatago, pagkanlong, o pagprotekta sa mga fugitive ay isang malinaw na paglabag sa batas na may katapat na parusang kriminal.


Dahil dito, hinihikayat ang sinomang may kaalaman sa kinaroroonan ng mga pinaghahanap ng batas na makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa emergency hotline na 911. Tinitiyak ng PNP na mananatiling lihim at protektado ang pagkakakilanlan ng mga magbibigay ng impormasyon alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.


Comments


bottom of page