PNP San Rafael, Nagsagawa ng Police Visibility at Traffic Assistance sa Brgy. Cruz na Daan
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read
Upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada, nagsagawa ng Police Visibility at Traffic Assistance ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Cruz na Daan ngayong Hulyo 16, 2026.
Nagsimula ang naturang operasyon dakong 5:33 ng hapon sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police.
Ang pagsasagawa ng police visibility sa panggabing oras ng rush hour ay naglalayong maiwasan ang mga posibleng insidente ng krimen at alalayan ang mga drayber at pampublikong sasakyan upang maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa nasabing barangay.




Comments