PNP San Rafael, Nagsagawa ng Mobile Patrolling sa Kahabaan ng Viola Highway
- SB San Rafael

- Jul 25
- 1 min read
Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na pagbabantay sa mga pangunahing daanan sa bayan matapos magkasa ng Mobile Patrolling sa kahabaan ng Viola Highway ngayong gabi ng Hulyo 25, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 6:55 ng gabi sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng mobile patrol na palakasin ang presensya ng kapulisan (police presence) sa mga pangunahing kalsada at highway, pigilan ang anumang posibleng insidente ng kriminalidad o aksidente sa kalsada, at tiyakin ang mabilis na pagresponde para sa kaligtasan ng mga biyahero at residente.





Comments