PNP San Rafael, Nagsagawa ng Mobile Patrolling sa Barangay Maronquillo
- SB San Rafael

- Jul 23
- 1 min read
Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na pagbabantay sa mga kalsada at kabahayan sa buong bayan matapos magkasa ng isang Mobile Patrolling sa Barangay Maronquillo ngayong hapon ng Hulyo 23, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 6:12 ng hapon sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng mobile patrol na palakasin ang presensya ng kapulisan (police presence) sa mga pangunahing kalsada at looban ng barangay, pigilan ang anumang posibleng insidente ng kriminalidad, at tiyakin ang agarang pagresponde para sa kaligtasan ng mga residente.




Comments