PNP San Rafael, Nagkasa ng Dayalogo at Nagpamahagi ng IEC Materials sa Brgy. Maronquillo
- SB San Rafael

- Jul 23
- 1 min read

Upang higit na palakasin ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa seguridad at kaayusan, nagsagawa ng dayalogo at pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Maronquillo nitong Hulyo 22, 2026.
Isinagawa ang naturang gawain sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Naging pokus ng aktibidad ang pagbibigay ng kaalaman laban sa bawal na droga at mga praktikal na crime prevention tips, bilang bahagi rin ng mga preparasyon at pagpapanatili ng kapayapaan kaugnay ng nalalapit na State of the Nation Address (SONA).





Comments