PNP San Rafael, Nagkasa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay San Roque
- SB San Rafael

- Jul 19
- 1 min read

Pinalakas ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mga hakbangin nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan matapos magkasa ng isang Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay San Roque ngayong Hulyo 18, 2026.
Isinagawa ang naturang operasyon simula 9:00 ng umaga sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng aktibidad na mahigpit na maipatupad ang mga batas-trapiko at mga lokal na ordinansa sa bayan. Bahagi rin ito ng patuloy na prayoridad ng pambansang pulisya na maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat pamilyang San Rafaeleño.
Ang patuloy na pakikipagtulungan ng San Rafael MPS sa lokal na pamahalaan ay buong pusong pinangangalagaan at sinusportahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang mapanatiling ligtas, tahimik, at maayos ang buong komunidad.




Comments