PNP San Rafael, Nagkasa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay Sampaloc
- SB San Rafael

- Jul 25
- 1 min read

Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na seguridad at pagbabantay sa buong bayan matapos magkasa ng isang Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay Sampaloc nitong gabi ng Hulyo 24, 2026.
Isinagawa ang naturang operasyon simula 9:00 ng gabi sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng gabi-gabing aktibidad na mahigpit na maipatupad ang mga batas-trapiko at mga lokal na ordinansa sa bayan. Bahagi rin ito ng patuloy na prayoridad ng pambansang pulisya na maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad tuwing gabi at matiyak ang kaligtasan, kapayapaan, at seguridad ng buong komunidad.
.





Comments