PNP San Rafael, Nagkasa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay Poblacion
- SB San Rafael

- Jul 19
- 1 min read

Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na seguridad sa buong bayan matapos magkasa ng isa pang Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay Poblacion nitong Hulyo 18, 2026.
Isinagawa ang naturang operasyon simula 2:00 ng hapon sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng aktibidad na mahigpit na maipatupad ang mga batas-trapiko at mga lokal na ordinansa sa bayan. Bahagi rin ito ng patuloy na prayoridad ng pambansang pulisya na maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan, kapayapaan, at seguridad ng buong komunidad.
Ang patuloy na pagsisikap na ito ng San Rafael MPS ay buong pusong pinangangalagaan at sinusportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang panatilihing ligtas, maayos, at tahimik ang bawat barangay sa bayan.





Comments