PNP San Rafael, Nag-Ronda sa Saint John of God Parish Church sa Brgy. Poblacion
- SB San Rafael

- Jul 29
- 1 min read

Upang patuloy na matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga mamamalakaya, Simbahan, at mga residente, nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Saint John of God Parish Church sa Barangay Poblacion nitong Hulyo 26, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 6:17 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng inisyatibong ito na panatilihin ang aktibong presensya ng kapulisan (police presence) sa paligid ng mga pampublikong lugar at simbahang pinupuntahan ng mamamayan, partikular sa oras ng pagsamba, upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at magbigay ng kapanatagan ng loob sa mga nagnanais makiisa sa banal na misa.




Comments