PNP San Rafael, Nag-Ronda sa Carlos F. Gonzales High School sa Brgy. Maguinao
- SB San Rafael

- Jul 21
- 1 min read
Upang tiyakin ang seguridad at kaayusan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan, nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao ngayong Hulyo 21, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 6:26 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng kapanatagan sa komunidad ng paaralan sa pamamagitan ng aktibong presensya ng kapulisan (police presence), pati na rin ang pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko at pag-iwas sa anumang insidente o krimen sa paligid ng pampublikong mataas na paaralan.





Comments