top of page

PLTCOL Bathan, Pinangunahan ang Breakfast Meeting para sa mga Tauhan ng PNP San Rafael

Upang mas lalo pang patatagin ang ugnayan sa loob ng hanay at tiyakin ang mabilis na pagpapatupad ng mga direktiba, pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang isang breakfast meeting kasama ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ngayong Hulyo 29, 2026.


Ginanap ang naturang pagpupulong bandang 8:00 ng umaga upang maibaba at mailahad ang mga pinakahuling tagubilin at direktiba mula sa Higher Office.


Kasabay nito, nagbigay din ng mga updates kaugnay ng antas ng quad compliances ng istasyon. Naging magandang pagkakataon din ang salo-salo upang magkaroon ng bukas na komunikasyon, talakayan, at pagkakaisa sa pagitan ng pamunuan at ng mga tauhan ng pambansang pulisya.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page