Pinalakas na Seguridad: San Rafael MPS, Nag-Inspeksyon sa Brgy. Maasim
- SB San Rafael

- Jul 25
- 1 min read
Upang patuloy na mapanatili ang kaayusan at tiyakin ang seguridad ng mga negosyo at mamamayan, muling nagsagawa ng Foot Patrolling at Establishment Visitation ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Maasim ngayong Hulyo 25, 2026.
Isinagawa ang naturang operasyon simula 9:35 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang presensya ng kapulisan (police presence), patatagin ang ugnayan sa mga lokal na negosyante, at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad laban sa anumang uri ng kriminalidad.





Comments