PESO San Rafael, Naghatid ng Bookkeeping NC III Training para sa Bagong Kasanayan at Trabaho
- SB San Rafael

- Jul 14
- 1 min read

Upang patuloy na mapalawak ang oportunidad sa trabaho at kabuhayan ng mga mamamayan, matagumpay na isinasagawa ang Bookkeeping NC III Training sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael.
Ang naturang pagsasanay ay naglalayong magkaloob ng libre, de-kalidad, at pormal na edukasyon sa larangan ng accounting at pag-aayos ng pinansyal na talaan. Sa tulong ng programang ito, ang mga kalahok ay makakakuha ng mahahalagang kasanayan na malaking tulong upang madali silang makahanap ng trabaho sa mga lokal at pambansang kumpanya, o kaya ay magamit sa pagpapatakbo ng sarili nilang mga negosyo.
Sa ilalim ng pamumuno ng lokal na pamahalaan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, patuloy na binibigyang-prioridad ang mga proyektong pangkasanayan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Inaasahan na pagkatapos ng pagsasanay, ang mga benepisyaryo ay sasailalim sa pambansang assessment upang makakuha ng opisyal na National Certificate (NC III) na magpapatunay sa kanilang kahusayan bilang mga sertipikadong bookkeeper.





Comments