Patuloy na Ugnayan sa Komunidad: PNP San Rafael, Bumisita sa Brgy. Pantubig
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read

Sa patuloy na layunin na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kepulisan at ng mga lokal na pamayanan, nagsagawa ng Barangay Visitation and Dialogue ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Pantubig ngayong Hulyo 16, 2026.
Ginanap ang naturang pulong dakong 2:40 ng hapon sa pangunguna ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police, kasama ang mga opisyales ng Barangay Pantubig.
Tinalakay sa pagtitipon ang mahahalagang usapin kaugnay ng kapayapaan at kaayusan (peace and order), pampublikong kaligtasan (public safety), pag-iwas sa krimen (crime prevention), at iba pang pangangailangan ng komunidad. Nagbigay rin ito ng pagkakataon upang direktang mapakinggan ng pulisya ang mga lokal na alalahanin at mapag-ibayo ang koordinasyon ng magkabilang panig.
Ayon sa pamunuan ng San Rafael MPS, nananatiling matatag ang komitment ng Philippine National Police sa pagbuo ng mas malakas na pakikipagtulungan sa mamamayan sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan para sa kaligtasan ng lahat.





Comments