Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Nagpulong para sa Mas Mabilis at Mas Mahusay na Serbisyo
- SB San Rafael

- Jul 20
- 1 min read

Upang masiguro ang mabilis, episyente, at maayos na pagpapatupad ng mga proyekto para sa mamamayan, pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang Department Heads and Section Chiefs Meeting ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Dinaluhan ang naturang pagtitipon ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Sa nasabing pulong, masusing tinalakay ang mga pangunahing programa, imprastraktura, at mga prayoridad na proyekto na nakatakdang ipatupad sa bayan. Binigyang-diin ni Mayor Goto Violago ang kahalagahan ng mas pinalakas na koordinasyon, pagtutulungan, at bukas na komunikasyon sa pagitan ng bawat departamento upang maiwasan ang anumang antala sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Ayon sa pamunuan, ang regular na pagpupulong na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na ehekutibo, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, na magkaroon ng isang mahusay, responsable, at transparent na pamamahala na nakatutok sa kapakanan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.




Comments