top of page

Pakikiramay at Panalangin para sa Pamilya ni G. Ponciano Abesamis Sr.


Nagpaabot ng kaniyang taos-pusong pakikiramay si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., kasama ang buong Pamahalaang Bayan, sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong si G. Ponciano B. Abesamis Sr., na pumanaw nitong Mayo 28, 2026 sa edad na 95 taong gulang.


Sa opisyal na pahayag ng alkalde, nakiisa ang lokal na pamahalaan sa panahong ito ng pagluluksa ng pamilya Abesamis. Hangad ni Mayor Violago na maging matibay na sandigan at lakas ng mga naulila ang mga magagandang alaala ng mabuting buhay, wagas na pagmamahal, at ang mga naging mahahalagang ambag at inspirasyon ng namayapang haligi ng tahanan sa kaniyang pamilya at sa buong komunidad.


Isang huling pagpupugay at pasasalamat ang ipinaabot ng buong bayan kay G. Ponciano B. Abesamis Sr. para sa kaniyang naging makabuluhang buhay at kontribusyon bilang isang huwarang mamamayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page