top of page

Mga Ulirang Ina, Nagningning sa Mutya ng Buntis 2026 ng San Rafael


Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, matagumpay at masiglang idinaos ng Pamahalaang Bayan ang Mutya ng Buntis 2026 (Season 10) kung saan nagningning ang ganda, talento, at kalusugan ng mga expectant mothers sa bayan.


Hinirang bilang Mutya ng Buntis Season 10 at nakasungkit din ng parangal na Best in Gown si Myla Vivar Dela Cruz na kumatawan sa Brgy. Capihan.


Narito ang kumpletong talaan ng mga nagwagi sa patimpalak:

  • Mutya ng Buntis 2026 & Best in Gown: Myla Vivar Dela Cruz (Brgy. Capihan)

  • 1st Runner-Up: Regine G. Dela Fuente (Brgy. Caingin)

  • 2nd Runner-Up & Best in Talent: Charrise L. Russel (Brgy. Diliman 1)

  • Consolation Prize: Evelyn G. Perales (Brgy. Caingin)

  • Consolation Prize: Maria Abigail J. Ylagan (Brgy. Sapang Pahalang)



Ang taunang patimpalak na ito ay pinangasiwaan ng Municipal Nutrition Office sa ilalim ng pamumuno ni Ma'am Kristina Anne Bisquera. Layunin ng programa na isulong ang kahalagahan ng tamang nutrisyon, maternal health, at sapat na pangangalaga sa mga buntis sa buong San Rafael.


Taos-puso namang ipinaabot ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno nina Mayor Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ang kanilang pagbati sa lahat ng mga nagwagi at matapang na nakiisang kalahok. Pinasalamatan din ang buong pamunuan ng Municipal Nutrition Office para sa isa na namang matagumpay na paglulunsad ng aktibidad na nagbibigay-halaga sa kalusugan ng pamilyang San Rafaeleño.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page