top of page

CONGRATULATIONS SA MGA BAGONG KASAL!


Sa isang Pormal at Makabuluhang Seremonya, Pinangunahan ng ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., ang pagpapatibay sa sumpaan ng pag-iibigan ng tatlong bagong magkarehas na opisyal nang nag-isang dibdib sa bayan ng San Rafael.



Ang mga maswerteng bagong mag-asawa na humarap sa dambana at pinagbuklod ng batas ay sina:

  • Mr. & Mrs. John Albert & Marijoy Bernadeth Castro

  • Mr. & Mrs. Romnick & Danica Dela Cruz

  • Mr. & Mrs. Manolito & Leona Manabat



Bilang pinuno at solemnizing officer ng bayan, personal na nagbigay ng mahahalagang payo ang alkalde ukol sa pagpapanatili ng respeto, pagmamahalan, at katatagan ng pamilya sa gitna ng mga hamon ng buhay may-asawa.


Muli, hangad ng Punong Bayan at ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang matagumpay, masaya, at mabiyayang pagsasama para sa mga bagong mag-asawa habang sinisimulan nila ang bagong yugto ng kanilang buhay.

Comments


bottom of page