ILANG KALSADA SA SAN RAFAEL, ISASARA PARA SA RUN KABATAAN YEAR 2

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Bayan ng San Rafael sa Linggo, Nobyembre 22, 2026, mula alas-4:00 hanggang alas-8:00 ng umaga para sa gaganaping Run Kabataan Year 2.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang mga sumusunod:
Balagtas-BMA patungong Public Cemetery
M. Valero Street sa Barangay Poblacion (Parking Zone)
M. Valte Street sa Barangay Libis
Kanto ng Talacsan Chapel patungong Viola Highway
Pinapayuhan ang mga motorista at commuter na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe dahil inaasahan ang mabagal na daloy ng trapiko sa mga kalapit na lugar.
Hinihikayat din ang lahat na sundin ang mga tagubilin ng mga traffic enforcer at marshals na nakatalaga sa mga ruta upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok.
Muling bubuksan ang mga apektadong kalsada matapos ang aktibidad at clearing operations.






Comments