top of page

FEDERATION OF PWDs NG SAN RAFAEL, NAGSAGAWA NG LAKBAY-ARAL SA BAGUIO

2 days ago
1 min read

Nagsagawa ng dalawang araw na Lakbay-Aral sa Lungsod ng Baguio ang Federation of Persons with Disabilities (PWDs) ng San Rafael ngayong Nobyembre 17–18, 2026 upang mapalawak ang kaalaman at mapatatag ang samahan ng mga PWD sa bayan.


Bahagi ng aktibidad ang benchmarking sa City Persons with Disabilities Affairs Office (CPDAO) ng Baguio, kung saan nakipagpalitan ng kaalaman at karanasan ang delegasyon kay City Disability Affairs Officer Dr. Samuel Aquino hinggil sa mga programa, serbisyo at best practices para sa mga PWD.


Bumisita rin ang grupo sa Deaf Olympics kaugnay ng pagdiriwang ng Deaf Awareness Week, kung saan nasaksihan nila ang mga paligsahang nilahukan ng mga taong may kapansanan sa pandinig. Nagtungo rin sila sa Orchidarium Cafe, isang establisimyentong pinangangasiwaan at pinamamahalaan ng mga PWD.


Layunin ng Lakbay-Aral na makakuha ng mga bagong kaalaman at ideya na maaaring magamit sa pagpapalakas ng mga programa para sa karapatan, kapakanan at kabuhayan ng mga PWD sa San Rafael.


Nagpasalamat naman ang samahan kina Mayor Cipriano D. Violago Jr., Mayora Mabel Violago, Vice Mayor Edison M. Veneracion at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa kanilang suporta at pakikiisa sa aktibidad.


Inaasahang magsisilbing gabay at inspirasyon ang mga natutuhan sa paglalakbay upang higit pang maisulong ang inklusibong programa at pantay na oportunidad para sa mga PWD sa Bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page