top of page

Pagtataas ng Watawat, Sinabayan ng Pagkilala sa mga Kawani

Sep 8
1 min read

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lingguhang pagtataas ng watawat nitong Setyembre 7, 2026, bilang pagpapakita ng paggalang sa Pambansang Watawat at pagmamahal sa bayan.


Kasabay ng palatuntunan ang pagbibigay-gawad bilang pagkilala sa tapat na serbisyo ng ilang kawani, gayundin ang pagpapakilala sa mga kandidato at kandidata para sa Festival King and Queen 2026.



Iginawad din ang mga sertipiko para sa accreditation ng mga Child Development Worker, habang nilagdaan naman ng mga opisyal at kawani ang Lingkod Bayan Commitment Wall bilang pagpapahayag ng kanilang paninindigan sa tapat at mahusay na serbisyo publiko.


Pinangunahan ng Human Resources Office, sa pamumuno ni Ma’am Marianne Collantes, ang isinagawang palatuntunan.


Patuloy namang hinihikayat ang mga kawani na isabuhay ang pagkakaisa, disiplina, integridad, at malasakit sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin para sa patuloy na pag-unlad ng San Rafael.

Comments


bottom of page