top of page

OPLAN SUMVAC 2026: MDRRMO San Rafael, Todo-Bantay Ngayong Huwebes Santo


Sa ikalawang araw ng paggunita ng Mahal na Araw, mas lalo pang hinigpitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) - San Rafael Rescue ang kanilang pagbabantay sa ilalim ng OPLAN SUMVAC 2026.


Ngayong Maundy Thursday, abala ang ating mga first responders sa pag-aantabay sa mga istratehikong lugar sa ating bayan upang masiguro ang kaligtasan ng mga residenteng nagsasagawa ng tradisyunal na aktibidad, gayundin ang mga biyaherong dumaraan sa ating mga pangunahing kalsada.


Ayon sa direktiba nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, ang lahat ng kagamitan at tauhan ng MDRRMO ay naka- full alert upang agad na makatugon sa anumang emergency o medikal na pangangailangan.


"Ang ating mga responders ay naririyan upang maglingkod at magbigay ng seguridad. Hinihiling din namin ang kooperasyon ng bawat isa na maging mapagmatyag at sumunod sa mga paalalang pangkaligtasan upang mapanatili nating payapa ang ating Semana Santa," anang mensahe mula sa pamunuan ng bayan.


Paalala sa mga biyahero: Siguraduhing maayos ang kondisyon ng inyong sasakyan at huwag mag-atubiling lumapit sa ating mga assistance desks kung kinakailangan ng tulong.

Comments


bottom of page