Ocular Inspection sa Events Place, Isinagawa sa Maronquillo

Nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa Barangay Maronquillo kaugnay ng kahilingan para sa reclassification at SB Clearance ng ipinapatayong events place sa naturang lugar.
Sinuri ng mga miyembro ng Sanggunian ang lokasyon at kasalukuyang kalagayan ng lugar bilang bahagi ng pagsusuri sa naturang aplikasyon.
Bahagi ang ocular inspection ng proseso ng Sangguniang Bayan bago ang kaukulang pagtalakay at pag-aksyon sa kahilingan.






Comments