Nutrisyon at Kalikasan, Bida sa Mr. & Ms. NutriGlam 2026 ng MNO San Rafael
- SB San Rafael

- Jul 21
- 1 min read
Sa layuning isulong ang tamang nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan, matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office (MNO) San Rafael ang Mr. & Ms. NutriGlam ngayong Hulyo 20, 2026.
Ginanap ang naturang okasyon sa 3rd Floor ng RCS Building, San Rafael, Bulacan mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.
Dinaluhan ng mga kalahok at nanood ang palatuntunan na nakatutok sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan!" Tampok sa kompetisyon ang pagpapamalas ng talent, talino, at malikhaing kasuotan na nagpapakita ng kahalagahan ng malusog na pamumuhay at pagprotekta sa ating inang kalikasan.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng MNO San Rafael, sa buong suporta ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, upang paigtingin ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa kalusugan at kalikasan.




Comments