top of page

Municipal Employees Sports Fest 2026, Matagumpay na Nagtapos

5 days ago
1 min read

Matagumpay na nagtapos ang Municipal Employees Sports Fest 2026 na isinagawa noong Setyembre 9 at 10 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.


Layunin ng programa na palakasin ang camaraderie, teamwork, at pagkakaisa ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pamamagitan ng sports at iba’t ibang palaro.


Naging pagkakataon din ang Sports Fest para sa mga empleyado na magkaroon ng masayang pagsasama-sama, mapalalim ang ugnayan, at maitaguyod ang sportsmanship at pagtutulungan.



Higit sa kompetisyon at pagkapanalo, isinulong ng programa ang pagkakaroon ng mas matatag at nagkakaisang workforce para sa mas mahusay na serbisyo publiko.

Comments


bottom of page