MDRRMO San Rafael, Naglunsad ng Standard First Aid Training para sa mga BHERT
- SB San Rafael

- Jul 16
- 1 min read

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, kasalukuyang isinasagawa ngayon ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) Standard First Aid Training sa bayan ng San Rafael.
Ang mahalagang pagsasanay na ito ay pinangungunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dinaluhan ng mga masisipag na kinatawan mula sa iba't ibang barangay ng bayan.

Bukod sa pagpapalakas ng kapasidad sa pagtugon sa mga emergency, ang aktibidad ay pormal na bahagi rin ng paghahanda ng mga barangay para sa darating na Barangay Rescue Olympics na gaganapin sa Hulyo 28, 2026.
Dumalo at nagpaabot ng kanilang mensahe ng suporta sina Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente at Konsehal Joel M. Veneracion. Binigyang-diin ng dalawang pinuno ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kaalaman, maingat na kahandaan, at mabilis na aksyon sa oras ng sakuna upang makapagligtas ng buhay.
Ang proyektong ito ay may buong paggabay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, na naglalayong patuloy na itaguyod ang isang ligtas, matatag, at laging handang komunidad para sa bawat San Rafaeleño.





Comments