top of page

Maligayang Kaarawan, MENRO OIC Zenaida Villanueva!


Nakiisa ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng kaarawan ng masipag na Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Officer-in-Charge at Population Commission (PopCom) Officer na si Gng. Zenaida "Zeny" Q. Villanueva.


Mula sa pamunuan ng bayan, ipinaabot ang taos-pusong pagbati at pagkilala sa mahalagang papel at dedikasyon ni Ma'am Zeny sa pangangalaga sa kalikasan, kapaligiran, at mga programang pampopulasyon sa buong munisipalidad.


Hangad ng pamahalaang lokal ang kanyang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at patuloy na biyaya mula sa Panginoon upang magpatuloy ang kanyang mahusay na paglilingkod sa bayan.


Ang pagpaparangal na ito sa mga pinuno ng iba't ibang kagawaran ay buong pusong pinangungunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan, upang patuloy na magbigay-inspirasyon sa tapat na serbisyo publiko.

Comments


bottom of page