Maligayang Kaarawan Ma'am Rea Joy Calderon!
- SB San Rafael

- Jun 19
- 1 min read

Isang mainit at taos-pusong pagbati ang ipinaabot ng mga pinuno at kawani ng lokal na pamahalaan para sa kaarawan ng isa sa mga nangungunang katuwang sa sektor ng agrikultura sa bayan.
Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay-pugay kay Municipal Agriculturist Ma'am Rea Joy Calderon para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong linggo.
Kinilala ng pamahalaang bayan ang natatanging sipag, dedikasyon, at tapat na paglilingkod ni Ma'am Rea Joy sa pamumuno sa mga programang pang-agrikultura na malaki ang naitutulong sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa San Rafael.
Hangad ng buong lokal na pamahalaan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal para kay Ma'am Calderon upang patuloy niyang magabayan ang sektor ng agrikultura tungo sa mas masagana at maunlad na bayan.





Comments