Maligayang Kaarawan, Kap. Adring Ocampo!
- SB San Rafael

- Jul 27
- 1 min read

Nagpaabot ng kaniyang taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ni Punong Barangay Adriano L. Ocampo ng Barangay Sapang Pahalang.
Ang opisyal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong kasapi ng Sangguniang Bayan.
Pinasalamatan ng pamahalaang lokal ang walang sawang dedikasyon at masipag na paglilingkod ni Kap. Adring Ocampo sa kaniyang mga nasasakupan sa Barangay Sapang Pahalang, gayundin ang kaniyang patuloy na pakikipagtulungan sa mga programa at inisyatibo ng bayan.
Hangad ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang kaniyang patuloy na mabuting kalusugan, haba ng buhay, at karagdagang tagumpay sa kaniyang patuloy na pamumuno at paglilingkod sa komunidad.




Comments