Maligayang Bati sa Pag-iisang Dibdib ng Tatlong Magkakapareha
- SB San Rafael

- Jul 2
- 1 min read

Sa layuning magabayan at mabigyan ng legal na basbas ang pagmamahalan ng mga San Rafaeleño, pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng tatlong bagong magkakapareha sa bayang ito.

Gumanap bilang opisyal na tagapagkasal ang ama ng bayan upang pagdaupin ang mga palad at pormal na ihatid sa bagong yugto ng buhay-may-asawa ang mga sumusunod:
Mr. & Mrs. Jay Chey at Princess Anne Polintan
Mr. & Mrs. Aldrian at Rina Velasquez
Mr. & Mrs. Aron Joshua at Sheene Baerra Ferrer

Sa gitna ng seremonya, ipinaabot ni Mayor Violago ang kaniyang taos-pusong pagbati sa mga bagong kasal. Binigyang-diin ng punong bayan ang kahalagahan ng pag-unawa, pagpapasensya, at wagas na pagmamahalan upang mapanatiling matatag ang pundasyon ng pamilyang kanilang bubuhayin.
Muli, ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, kasama ang Tanggapan ng Punong Bayan, ay nagpaabot ng hangarin para sa isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama ng tatlong bagong mag-asawa habambuhay.





Comments