Makatao at May Malasakit na Pamamahala, Patuloy na Isinusulong sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jul 23
- 1 min read

Binigyang-diin muli ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. na nananatiling bukas ang kaniyang tanggapan upang pakinggan ang bawat saloobin, mungkahi, at mga panukalang programa na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng buong bayan.
Ayon sa Punong Bayan, patuloy ring pinakikinggan at pinahahalagahan ng pamahalaang lokal ang mga kababayang lumalapit upang humingi ng tulong, sapagkat ang bawat tinig ng mamamayan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mga pampublikong polisiya at serbisyo.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Violago sa mga San Rafaeleño para sa kanilang walang sawang pagtitiwala, suporta, at pakikiisa. Aniya, ang bawat pagbisita, opinyon, at suhestiyon mula sa komunidad ay nagsisilbing gabay upang lalo pang mapabuti ang mga programang inihahatid ng pamahalaang lokal.
Ang inisyatibong ito ay patuloy na isinusulong ng ehekutibo sa pakikipagtulungan sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, bukas na komunikasyon, at aktibong pakikilahok ng bawat isa, tiniyak ng Pamahalaang Bayan na maipagpapatuloy ang isang maayos, makatao, at may tunay na malasakit na pamamahala para sa lahat.




Comments