Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa San Rafael, Pinangunahan ng Municipal Assessor's Office
- SB San Rafael

- Jul 27
- 1 min read

Muling nagtipon-tipon ang mga kawani at opisyales ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, Hulyo 27, 2026.
Ang naturang palatuntunan ay ginanap bilang pagpapakita ng patuloy na paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagpapatibay ng pagmamahal sa bayan bago simulan ang lingguhang paglilingkod sa mga mamamayan.
Para sa linggong ito, ang Municipal Assessor's Office sa pamumuno ni Gng. Gina De Guzman ang nanguna sa pagpapatakbo ng seremonya.

Sa pamamagitan ng regular na gawaing ito, muling binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion kasama ang Sangguniang Bayan ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at tapat na malasakit upang patuloy na maitaguyod ang mas maunlad at masiglang Bayan ng San Rafael.




Comments