top of page

Inspeksyon sa Lokasyon ng Casa Madeo Resort, Isinagawa


Upang matiyak na ang mga bagong proyekto ay sumusunod sa mga pamantayan ng lokal na pamahalaan, nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafae sa lugar na pagpapatayuan ng Casa Madeo Resort sa Barangay Ulingao.


Ang inspeksyon ay personal na pinangunahan ng Sangguniang Bayan upang suriin ang lokasyon at ang nakatakdang plano sa pagtatayo ng nasabing resort. Layunin ng aktibidad na masiguro na ang proyekto ay hindi makasasama sa kalikasan, ligtas para sa publiko, at sumusunod sa mga ordinansa at batas-bayan.



Ayon sa pamunuan, bahagi ito ng kanilang mandato na suportahan ang paglago ng turismo at negosyo sa Bayan ng mga Anghel. Kasabay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy nilang binabantayan ang mga ganitong pagawaan upang masigurong balanse ang pag-unlad ng ekonomiya at ang pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.


Comments


bottom of page