Ika-9 na Regular Session ng Sangguniang Bayan, Matagumpay na Isinagawa
- SB San Rafael

- Mar 4
- 1 min read

Patuloy ang masiglang pagbalangkas ng mga polisiya at programa para sa ikabubuti ng mamamayan sa ginanap na Ika-9 na Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael noong ika-2 ng Marso, 2026.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, bilang Presiding Officer, katuwang ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan. Sa nasabing session, tinalakay ang mga mahahalagang ordinansa, resolusyon, at mga ulat ng komite na naglalayong mas mapabuti ang serbisyo publiko sa ating bayan.

Binigyang-diin ni Vice Mayor Veneracion ang kahalagahan ng pagkakaisa sa loob ng konseho upang matiyak na ang bawat batas na ipapasa ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga San Rafaeleño. Ang regular na session na ito ay bahagi ng tapat at transparent na pamamahala nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at ng buong lokal na pamahalaan.
Makaaasa ang ating mga kababayan na patuloy ang Sangguniang Bayan sa paggawa ng mga hakbang na magpapaunlad sa ating ekonomiya, kalusugan, at pangkalahatang kapayapaan sa San Rafael.





Comments