top of page

"Kasal Mo, Sagot Ko 2026": Munting Pangarap ng Maraming Mag-asawa, Naitaguyod sa San Rafael

Naging puno ng pag-ibig at saya ang naganap na "Kasal Mo, Sagot Ko 2026" Kasalang Bayan matapos opisyal na ipagbuklod ang pagsasama ng maraming mag-asawa sa Bayan ng San Rafael.


Ang naturang programa ay handog ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., katuwang si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, ang buong Sangguniang Bayan, at ang Municipal Civil Registry Office sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Mercedes Rivera.


Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nabigyan ng libreng pagkakataon ang mga live-in partners at mga nagnanais magpakasal na gawing legal at opisyal ang kanilang pagsasama nang walang alalahanin sa gastusin. Bahagi rin ito ng patuloy na malasakit at serbisyong may puso ng lokal na pamahalaan upang patatagin ang pundasyon ng bawat pamilyang San Rafaeleño.


Buong pusong binati ng pamunuan ng bayan ang lahat ng mga bagong kasal kasabay ng panalangin na maging matatag, masaya, at puno ng pagmamahalan at biyaya ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


Comments


bottom of page