San Rafael, Patuloy ang Monitoring at Paghahanda ng Relief Pack sa mga Apektado ng Pagbaha

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha, patuloy ngayon ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mabilisang pag-iimpake at paghahanda ng mga relief goods na nakatakdang ipamahagi sa mga nasasakupan.
Kasabay ng paghahanda ng relief supplies, patuloy rin ang pag-ikot at pag-momonitor ng mga lokal na rescue team sa mga barangay, lalo na sa mga mabababang lugar na nakakaranas ng pagtaas ng tubig-baha, upang agad na makatugon sa anumang emergency at pangangailangan ng paglikas.

Paalala ng pamahalaang lokal sa lahat ng mamamayan na manatiling maingat, maging alerto, at agad na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga opisyal ng barangay o sa Pamahalaang Bayan kung kinakailangan ng agarang saklolo.
Ang maagap na paghahanda at pagtugong ito sa panahon ng kalamidad ay patuloy na pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat San Rafaeleño.






Comments