Face-to-Face Classes sa Lahat ng Antas sa San Rafael, Suspendido Dahil sa Masamang Panahon
- SB San Rafael

- Aug 6
- 1 min read

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro laban sa banta ng masamang panahon, opisyal na isinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan ngayong Biyernes, Agosto 7, 2026.
Dahil sa suspension na ito, itinatagubilin ng lokal na pamahalaan ang agad na pagpapatupad ng online classes o alternative learning modalities sa lahat ng antas upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga kabataan habang nananatili silang ligtas sa kani-kanilang mga tahanan.
Inatasan din ang mga pamunuan ng paaralan, mga guro, at mga magulang na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng pamahalaan hinggil sa lagay ng panahon at sitwasyon sa mga lansangan.
Ang maagap na hakbang na ito para sa kaligtasan at kapakanan ng kabataan ay buong pusong pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan.




Comments