top of page

HRMO, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony sa Munisipyo ng San Rafael


Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng paglilingkod, pormal na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong araw ng Lunes, ika-9 ng Marso, 2026.


Ang nasabing palatuntunan ay pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Marianne C. Collantes. Ang lingguhang aktibidad na ito ay hindi lamang bahagi ng mandato ng gobyerno, kundi isang mahalagang pagkakataon upang muling pag-alabin ang paggalang at pagmamahal sa Inang Bayan ng bawat lingkod-bayan.

Comments


bottom of page