Happy 22nd Wedding Anniversary, VM Edison at Former VM Marilyn Veneracion!
- SB San Rafael

- Jul 18
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati at panalangin ang buong Sangguniang Bayan ng San Rafael para sa ika-22 anibersaryo ng pag-iisang dibdib nina Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at dating Pangalawang Punong Bayan Marilyn S. Veneracion.
Sa isang opisyal na pahayag ng Sangguniang Bayan Family, pinarangalan at kinilala ang dalawampu't dalawang taong pagsasama ng mag-asawa bilang isang magandang halimbawa ng matibay na pagmamahalan, paggalang, pagtitiwala, at walang sawang pagsuporta sa isa't isa—kapwa sa pamilya at sa paglilingkod sa bayan.
Nagpaabot din ng panalangin ang lupon at ang pamahalaang lokal sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. na patuloy na gabayan at pagpalain ang mag-asawa ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kapayapaan, at higit pang mga taong puno ng pag-ibig, saya, at tagumpay.




Comments