top of page

Foot Patrol at Establishment Visitation, Isinagawa ng PNP San Rafael

Upang patuloy na paigtingin ang seguridad at tiyakin ang kaligtasan ng mga negosyo at mamamayan sa panggabing oras, nagsagawa ng Foot Patrolling at Establishment Visitation ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station nitong Hulyo 15, 2026.


Nagsimula ang naturang pagpapatrolya at pag-inspeksyon dakong 7:19 ng gabi sa Barangay Poblacion, San Rafael, Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police.


Sa pamamagitan ng paglalakad at personal na pagbisita sa mga komersyal na establisimiyento, nagkaroon ng direktang ugnayan ang pulisya sa mga may-ari ng negosyo, empleyado, at mga residente upang paalalahanan sila sa mga hakbangin sa pag-iwas sa krimen (crime prevention).



Recent Posts

See All

Comments


bottom of page