top of page

Dalawang Pares ng Magsing-irog, Opisyal nang Pinag-isang Dibdib


Dalawang bagong yugto ng pag-ibig ang opisyal na nag-umpisa matapos magkasabay na pagbuklurin sa banal na kasal ang dalawang pares ng magsing-irog na pinangunahan mismo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.


Buong kagalakang pinag-isang dibdib ng alkalde ang mga bagong kasal na sina:

  • Mr. & Mrs. Ronaldo at Diana Miranda

  • Mr. & Mrs. Glendo at April Cuevas



Sa simpleng seremonya kung saan nagsilbing Solemnizing Officer si Mayor Violago, kaniyang ipinaabot ang mga mahahalagang paalala at payo sa mga bagong mag-asawa ukol sa kahalagahan ng pagtutulungan, bukas na komunikasyon, at matatag na pundasyon ng pamilya sa loob ng tahanan.


Kaugnay nito, ang Tanggapan ng Punong Bayan at ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay nagpaabot ng kanilang taos-pusong pagbati sa dalawang mag-asawa. Hangad ng lokal na pamahalaan ang isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama para sa pamilyang Miranda at pamilyang Cuevas habang katuwang sila sa pagbuo ng isang mapayapa at maunlad na komunidad sa bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page