top of page

Dagdag Trabaho at Negosyo: WalterMart San Rafael, Binuksan Na sa Brgy. Cruz na Daan


Nakiisa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion sa ginanap na opisyal na Grand Opening ng WalterMart San Rafael na matatagpuan sa Barangay Cruz na Daan.


Dumalo ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan upang magpaabot ng suporta sa pagbubukas ng naturang establisimiyento, na inaasahang magpapasigla pa sa lokal na ekonomiya ng bayan.


Ipinahayag ni Vice Mayor Veneracion ang kaniyang kagalakan sa patuloy na pagpasok ng mga bagong mamumuhunan sa San Rafael. Aniya, ang mga ganitong proyekto at negosyo ay malaking tulong sa pagbibigay ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga mamamayang San Rafaeleño.



Ang patuloy na pag-unlad ng komersyo sa bayan ay bunga ng maayos na pagtutulungan ng ehekutibo sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Veneracion, upang lumikha ng kapaligirang ligtas, maunlad, at maganda para sa negosyo.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page