Checkpoint sa Brgy. Sampaloc, Isinagawa ng San Rafael PNP
- SB San Rafael

- Jul 17
- 1 min read

Patuloy ang pagpapatatag ng seguridad sa bayan matapos maglunsad ng Anti-Criminality Checkpoint ang San Rafael Municipal Police Station sa Barangay Sampaloc nitong Hulyo 16, 2026, bandang 4:00 ng hapon.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Alvin Christopher L. Baybayan, Acting Chief of Police.
Layunin ng aktibidad na mahigpit na ipatupad ang mga batas-trapiko at mga lokal na ordinansa sa lugar. Isa rin itong bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan upang mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng buong komunidad.





Comments