Binyagang Bayan 2026 sa San Rafael, Matagumpay na Naisagawa

Matagumpay na idinaos ang programang “Binyag Mo, Sagot Ko!” – Binyagang Bayan 2026, isang inisyatibong naglalayong magkaloob ng libreng Sakramento ng Binyag at tulong-pinansyal sa proseso ng sibil na rehistrasyon para sa mga pamilyang San Rafaeleño.
Isinagawa ang mass baptism sa pangunguna ni Mayor Cipriano Violago, Jr., kasama si Vice Mayor Edison Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mga programang may direct impact at malasakit sa mamamayan.

Naging katuwang sa aktibidad ang Municipal Civil Registrar Office (MCR) sa pamumuno ni Mercedes Rivera. Pinangunahan at pinangasiwaan ang seremonya ng binyag nina Monsignor Filemon Capiral at Rdo. P. Francis Protacio S. Cortez. Lubos din ang pasasalamat ng LGU San Rafael sa lahat ng mga magulang, ninong, ninang, at volunteers na nakiisa sa tagumpay ng kaganapan.






Comments