Best Wishes, sa Tatlong Bagong Mag-Asawa ng San Rafael!
- SB San Rafael

- Aug 18
- 1 min read

Muling naghatid ng basbas at inspirasyon sa mga bagong pamilyang San Rafaeleño ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael matapos pangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng tatlong pares ng mag-asawa.

Pormal na pinagsama sa kasal ni Mayor Goto Violago sina:
G. Cyre Justine Dela Cruz at Gng. Shaira Mae Dela Cruz
G. Vince Gabriel Dela Vega at Gng. Esperanza Dela Vega
G. Robert Rowell Galicia at Gng. Maria Paula Galicia

Sa ginanap na seremonya, ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ang taos-pusong pagbati at panalangin para sa masagana, matatag, at buong-pusong pagsasama ng bawat pares sa kanilang pagtataguyod ng sariling pamilya.
Ang patuloy na pagsuporta at pagpapatibay sa pundasyon ng pamilyang San Rafaeleño ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan.





Comments