top of page

Angels ng San Rafael, Nasungkit ang Ikalawang Puwesto sa Singkaban Festival 2026

4 days ago
1 min read

Nasungkit ng Angels ng San Rafael ang ikalawang puwesto sa Singkaban Festival 2026 – Indakan sa Kalye na ginanap nitong Setyembre 14 sa Malolos Sports and Convention Center, Lungsod ng Malolos.


Ipinamalas ng grupo ang kanilang husay at dedikasyon sa pagsasayaw na nagbigay karangalan sa Bayan ng San Rafael.


Itinuturing ang kanilang pagkamit ng ikalawang puwesto bilang pagkilala sa talento, pagkakaisa, at pagsisikap ng mga kabataang San Rafaeleño sa larangan ng kultura at sining.

Comments


bottom of page