12% VAT sa Water Bill, Aalisin na Ngayong Marso sa San Rafael!
- SB San Rafael

- Mar 2
- 1 min read

Isang malaking tagumpay para sa mga konsyumer ng tubig sa San Rafael ang inanunsyo ngayong araw: Aalisin na ang 12% Value Added Tax (VAT) sa water bill ng mga mamamayan simula ngayong buwan ng Marso!
Sa bisa ng Municipal Executive Order No. 16 CY 2026 na nilagdaan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., pormal nang sinuspinde ang operasyon ng Primewater Infrastructure Corp. sa ating bayan. Dahil dito, ang San Rafael Water District (SRWD) na ang pansamantalang nangangasiwa sa lahat ng management, operation, at distribution ng serbisyo ng tubig.
Ang hakbang na ito ay direktang tugon ng Pamahalaang Bayan, katuwang si Vice Mayor Edison M. Veneracion at ang Sangguniang Bayan, sa mga hinaing ng mga kababayan hinggil sa serbisyo ng tubig. Dahil ang SRWD ay isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) at hindi isang pribadong kumpanya tulad ng Primewater, maaari nang alisin ang 12% VAT na dating pinapasan ng mga residente sa kanilang buwanang bayarin.





Comments