top of page

Zumba Marathon sa Munisipyo: Solo Parents at Kawani ng Bayan, Nakiisa sa Masayang Ehersisyo


Isang masigla at makulay na simula ng umaga ang sumalubong sa mga mamamayan matapos ang matagumpay na isinagawang Zumba Marathon sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael ngayong araw.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Federation of Solo Parents San Rafael, katuwang ang mga kawani ng munisipyo, Bureau of Fire Protection (BFP) San Rafael, Lingap Lipunan ng Nakatatanda (LLN), at ang mga dedikadong Day Care Teachers ng bayan.


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week, ang Zumba Marathon ay handog nina Punong Bayan Igg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan. Layunin ng programa na itaguyod ang malusog na pamumuhay at magbigay ng pagkakataon para sa kasiyahan at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang sektor.


Hindi rin nawala ang suporta mula sa tanggapan ni Congressman Mark Cholo Violago, na nagpaabot ng masarap na pagkain para sa lahat ng mga nakiisa at humataw sa marathon. Ang pagtutulungan ng mga lokal na lider ay nagpapakita ng kanilang nagkakaisang layunin na bigyang-halaga ang kapakanan ng mga solo parents sa ating komunidad.


Ayon sa pamunuan, ang ganitong mga aktibidad ay mahalaga upang maiparamdam sa mga solo parents na sila ay bahagi ng isang masiglang suporta mula sa pamahalaan, habang sabay-sabay na nagpapakalakas ng katawan para sa hamon ng araw-araw na pamumuhay.

Comments


bottom of page