top of page

PESO San Rafael, Nagbukas ng Pagsasanay sa On-Grid Solar System

5 hours ago
1 min read

Nagbukas ang Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ng aplikasyon para sa Livelihood Skills Training Program na may kursong Micro-Credential Course on On-Grid Solar System.


Gaganapin ang pagsasanay sa loob ng 10 araw at may nakalaang allowance para sa mga kalahok. Bukas ito sa mga residente ng San Rafael na edad 18 pataas at handang sumailalim sa nasabing training.


Isasagawa ang pagsasanay tuwing Biyernes at Sabado, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Limitado ang slots at tatanggapin ang mga aplikante batay sa first come, first served basis.


Maaaring mag-apply ang mga interesadong residente sa tanggapan ng PESO San Rafael, na matatagpuan sa likod ng Victory Coliseum sa Barangay Sampaloc. Bukas ang tanggapan mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.


Kailangang magdala ng tig-dalawang kopya ng passport-size at 1x1 na larawan, barangay certification o patunay ng paninirahan, at photocopy ng valid government ID na may address sa San Rafael.

Comments


bottom of page